Noong ikatlong linggo ng Enero (Enero 15,2012) ang kapistahan ng Sto.Nino sa Perez, Meycauayan Bulacan. Idinaos ang pista ng patron ng Sto.Nino bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap ng mga taong nakatira dito. Ilang araw bago ang pista ay inihanda ng ang mga banderitas at paanyaya para sa lahat. Iba't ibang paligsahan at aktibidad ang inihanda ng mga opisyales ng barangay at buong purok ng simbahan upang makapaghatid ng saya at aliw sa lahat.
Gabi ng Enero 13,2012 ay ginanap ang paligsahang "Perez Singing Idol" at "Dance Contest" sa Perez Sports Complex. Maraming magagaling na mang-aawit na mula sa iba't ibang barangay at lugar ang dumalo. Ngunit isa lang ang nag-uwi ng premyong nagkakahalagang 4000 Php. Samantalang sa patimpalak naman ng pagsasayaw ay iba't ibang grupo ng mananayaw ang sumali. Di papatalo sa paghataw ang iba't ibang grupo na galing pa sa malayong lugar. Kahit maraming magagaling na grupo ay tatlo lamang ang napiling panalo. Ang nagkamit ng ikatlong pwesto ay ang grupong "FM" na nag-uwi ng 4000 Php, Sinundan ng grupong "Ayup" na nag-uwi ng 5000 Php at ang nagkamit ng unang pwest ay ang "XR1" na nag-uwi ng premyonh 6000 Php.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento