Huwebes, Enero 19, 2012

Barangay Perez


Ang Barangay Perez ay kilala bilang isa sa mauunlad na barangay ng Meycauayan Bulacan. Ito rin ang sentrong pamilihan ng bawat barangay.
Kumpleto sa impastraktura at pangangailangan ng mga mamamayan ng Perez. Pero bago ko namin ito ituloy, magsimula muna tayo  sa kasaysayan at aming ilalarawan sa inyo ang Barangay Perez.
lokasyon nito
MAIKLING KASAYSAYAN
Ang kasaysayan ng Barangay Perez ay salin sa salitang ” Alferez ” ng panahon ng kastila. Ang “Alferez” ay siyang kinikilala ng pinuno ng pamahalaan ng kaagapay ng pari sa pagpapatupad ng batas sa lahat. Dito sa lugar na ito, naitayo ang pamahalaan ng kastila at nagpasalin-salin sa iba’t ibang nanunugkulan.
Sa paglipas ng panahon ang salitang “Alferez” ay naging “Al Perez” at kalaunan, ito ay naging “Perez” na lamang na makikita sa simbolo ng Pamahalaang Perez ang isang salakot na sagisag ng ginagamit sa “Alferez”
Ang Barangay Perez ay matatagpuan sa hilagang silangan ng Bayan ng Meycauayan. Lalong kilala ito sa bansag na “BUKID” na kung saan ang palibot nito ay dating bukid na sinasaka ng naninirahan dito. Naging isang maunlad na pamayanan ito ng ang “Philippine Development Corporation”ay nagpatayo ng subdivision na ang tawag aySto.Nino Subdivision. Ang Barangay Perez ay kalapit ng mga barangay gaya ng Camalig, Pajo, Pantok, Bagbaguin, at Bahay Pare kung kaya’t ang“Cops Kababayan Center No.IV” (himpilan ng kapulisan), sa ngayon ay Compact II na, ay nakatala bilang naninirahan dito na binubuo ng mga sitio : Phase 3A, Phase 3B, Phase 3D, Phase 3D Annex, Phase 4A, Phase 4D at Barrio Perez (Itaas at Ibaba).
Ang barangay Perez ay isa sa dalawamput anim (26) na Barangay ng Lungsod ng Meycauayan, Bulacan at maunlad ng Barangay na may sukat na isang milyon, pitong daan at dalawamput apat (1,724,184) na metro kwadrado o isang daan pitongput dalawa (172.4184) na hektarya.
Sa pakiki-isa ng mga naninirahan sa Barangay Perez, naiitayo ang Phase 3A ang gusali ng  Pamahalaang Barangay Perez na kung saan ang mga halal na opisyales ng Barangay ay naglilingkod mula Lunes hanggang Linggo (Officer-on-Duty) at ang mga Barangay Police/Tanod ay nakatalaga mula ika-6:00 ng gabi hanggang kinabukasan ng ika-6:00 ng umaga upang tugunan ang mga nangangailangan ng tulong ukol sa katahimikan at kaayusan ng kapaligiran.
Upang maisakatuparan ang lahat ang lahat ng programa lalo na sa pagsupo ng droga o ipinagbabawal na gamot sa Barangay Perez. Ang Sangguniang Barangay at Kabataan kasama na ang mga “Homeowners Association” ay nagkaisa na ipatayo ang isang“Barangay Sport’s Covered Complex” at sa kadahilanang walang sapat na pondo ang Barangay naglunsad pa ng iba’t ibang actibidades ang barangay gaya ng “Bingo Social” , “Search for Miss Barangay Perez” na ang malikom na pondo dito ay gagamitin para sa pagtatapos ng “Sports Complex” at pagtatayo ng “Children’s Playground” sa bawat sitio ng Barangay.
Bilang patunay ng pag-unlad ng Brangay Perez, marami na ang naitayong pabrika,“business establishments” (negosyo) malaki man o maliit nakattulong sa pagb ibigay ng hanap buhay sa pamayanan.
Humigit kumulan labing-walong libo (18,000) ang populasyon ng Barangay Perez sa taong 2010. Sa kadahilanang mahigit sa 80% ay katoliko, naipatayo dito ang simbahan ngSto.Nino de Meycauayan na naging Patron ng Sto.Nino Subdivision.
Sa kasalukuyan, mayroong isang Day Care Center ang Pamahalaang Barangay ng Perez na matatagpuan sa “ground floor” ng gusali ng Barangay Perez sa kalye ng St.Peter., Phase 3A at mga paaralan tulad ng Akap-Bata Children’s Center, Perez Elementary school– na nag-iisang pampublikong paaralang elementarya ng Barangay Perez, Kiddie Bytes Academy, Ferbel School, Auxiliary Academy, Sto.Nino Montessori School, Meycauayan National Highschoolat St.Mary’s Academy of Sto.Nino. Mayroon ding isang Rural Health Center at mga pribadong Dental Clinics at Lying-in Clinics.
Mayroon na rin isang Ambulansya ang Barangay Perez para sa paghahatid ng pasyente sa oras ng pangangailangan (emergency cases), dalawang trak para sa paghahakot ng basura at isang patrol car (motorcycle with sidecar) para sa pagro-ronda sa gabi at araw upang mapangalagaan ang buhay, katahimikan at kaayusan ng sambayanan ng  Barangay Perez.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento