Martes, Enero 31, 2012



KASAYSAYAN NG BARANGAY CAMALIG


                




         Ang salitang KAMALIG ay isang maliit na kubo na imbakan ng mga palay/mais na siyang ipinangalan sa aming Barangay.Ito ay dahilan sa ang pangunahing pinagkakakitaan o hanapbuhay dito ay ang pagtatanim ng palay at halos ang malaking bahagi nito ay palayan at may kanya-kanyang KAMALIG o imbakan ng palay o mais ang mga magsasaka dito.Subali’t noong araw ito  ay tinawag ding “Kay Kabalyero”,marahil ay dahil sa may isang puno ng kabalyero sa harap ng bisita na noon ay isang pinakamalaking palatandaan sa pook na ito.
                Ang nayon ng KAMALIG  ay nahati sa tatlong sitio noong araw,ilan na rito ay ang PANTOK,PAJO at CAMALIG.Noong hindi pa magkaka hiwalay  ang tatlong barangay,unang makikita ang Barangay  Pantok na dati’y  tinatawag na Paltok ,sumunod ang CAMALIG na dati’y tinatawag na Sentro ng Kamalig at ang pang huli ay ang Barangay Pajo.
            Sa ngayon ay isa rin ang Camalig sa mga barangay na kinakikitaan ng kasaganahan at kaunlaran dahil sa mga makabagong imprastraktura at masigasig na mga tagapaglingkod sa aming barangay na siyang nagpabilis sa progreso ng aming pamayanan.Patunay ang mga bagong establisiyemento at gusali na matatagpuan sa aming barangay.Una,ang gasolinahan ng Pamahalaang Lunsod ng Meycauayan na bagong tayo pa lamang sa aming barangay na siyang nagbigay ng sigla at larawan na sumisimbolo sa maunlad na pamayanan.Kasunod ang ibat’ ibang imprastraktura na nagbibigay ng hanapbuhay at pagkakakitaan sa aming barangay.

3 komento:

  1. Kahanga-hanga naman ang inyong ginagawa.
    Mahusay at maganda ang resulta ng inyong pagpapagal.
    Paki lagay na rin tungkol sa ating paaralan.
    Salamat nang marami sa inyong proyekto.

    TumugonBurahin
  2. ang inyong ginawa ay nkakamangha dahil sa galing ntong mag research tungkol sa pinag mulan ng barangay ng camalig at ganun na rin sa inyong galing sa mga mka bagong teknolohiya na inyong ginamit..sa mapalawak nyo pa ang kasaysayan ng inyong barangay...salamat dahil may natutunan ako sa inyong ginawa..

    TumugonBurahin
  3. ang galing ng inyong proyekto na ginawa sapagkat sa inyong edad ay nka gawa kau ng ganyang kagandang proyekto..sana lahat ng mga estudyante ay ganyan sa inyo:)

    TumugonBurahin