Martes, Enero 31, 2012



KASAYSAYAN NG BARANGAY CAMALIG


                




         Ang salitang KAMALIG ay isang maliit na kubo na imbakan ng mga palay/mais na siyang ipinangalan sa aming Barangay.Ito ay dahilan sa ang pangunahing pinagkakakitaan o hanapbuhay dito ay ang pagtatanim ng palay at halos ang malaking bahagi nito ay palayan at may kanya-kanyang KAMALIG o imbakan ng palay o mais ang mga magsasaka dito.Subali’t noong araw ito  ay tinawag ding “Kay Kabalyero”,marahil ay dahil sa may isang puno ng kabalyero sa harap ng bisita na noon ay isang pinakamalaking palatandaan sa pook na ito.
                Ang nayon ng KAMALIG  ay nahati sa tatlong sitio noong araw,ilan na rito ay ang PANTOK,PAJO at CAMALIG.Noong hindi pa magkaka hiwalay  ang tatlong barangay,unang makikita ang Barangay  Pantok na dati’y  tinatawag na Paltok ,sumunod ang CAMALIG na dati’y tinatawag na Sentro ng Kamalig at ang pang huli ay ang Barangay Pajo.
            Sa ngayon ay isa rin ang Camalig sa mga barangay na kinakikitaan ng kasaganahan at kaunlaran dahil sa mga makabagong imprastraktura at masigasig na mga tagapaglingkod sa aming barangay na siyang nagpabilis sa progreso ng aming pamayanan.Patunay ang mga bagong establisiyemento at gusali na matatagpuan sa aming barangay.Una,ang gasolinahan ng Pamahalaang Lunsod ng Meycauayan na bagong tayo pa lamang sa aming barangay na siyang nagbigay ng sigla at larawan na sumisimbolo sa maunlad na pamayanan.Kasunod ang ibat’ ibang imprastraktura na nagbibigay ng hanapbuhay at pagkakakitaan sa aming barangay.

Lunes, Enero 30, 2012

Barangay Malhakan

HISTORY OF BARANGAY MALHAKAN

As of now, Barangay Malhakan is one of the richest barangay in Meycauayan.Located at the eastern part of the town. It is 0.64 kms.

The name Malhakan came from the word “Mahal na Angkan”. When people doesn’t have there permanent homes. They are like beggars. After many years had passed, there was a slave Spanish came to the place named Don Sebastian de Francia. He lived in that place with his family. Don Sebastian was a quiet, kind, industrious, and cooperative. Because of his attitude, the community people loved him. His livelihood was improved with many people and he attract to live beside him. When Don Sebastian was dead, his son, Miguel inherits all of his treasures and important items. In the time of Don Miguel Francia, he build the “bayan-bayanan” included the Marilao and Lolomboy. In 1588 a strong typhoon and shocking earthquake happened that cause the bayan-bayanan to worry about. After that disaster, “Mahal na Angkan” governance was gone. 

When Don Miguel Francia died, his son, Cipriano build a house that looks like a castle. Kapitan de “francia” was more improved. When he died his treasures were divided into his two sons, named Felipe and Alejo. The word “mga mahal na angkan”get them popular. From that they on, Francia family’s money got bigger and bigger until they called Malhakan that came from the word ”mahal na angkan”.


BARANGAY MALHAKAN BARANGAY OFFICIALS

Delfin San Pablo III
Barangay Captain

David Michael D.S Ramirez
Orbel G. Cornelio
Basilio I. AraƱa
Jaime R. Rozas
Jennifer B. Corpin
Nicolas P. Bojos, SR.
Pablito V. Altoveros
Barangay Kagawad

Delfin "Tikboy" San Pablo IV
SK Chairman

Ceferino S. Guevarra, JR.
Barangay Secretary

Feliciano A. Bonifacio, SR.
Barangay Treasurer



PhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucket

Huwebes, Enero 26, 2012

BARANGAY BAHAY-PARE

KASAYSAYAN NG BARANGAY BAHAY-PARE

Ang nayon ng Bahay-Pare ay may angking maningning na kahapon…Ang nayong ito ay siyang unang kabayanan ng bayan ng Meykawayan.Tinawag itong “Bahay-Pare” sa kadahilanang pinagbayanan umano ng mga misyonaryong pari noong panahon ng mga kastila.Ang tiyak na lugar na maaaring tawaging “Duyan ng mga Kristiyanismo” ay tinatawag na “Sitio Toril” o pook ng mga toro. Ang binhi ng pananampalatayang Kristiyano ay isinabog sa bayan ng Meykawayan noong 1578 nina Padre Juan de Plasencia at si Padre Diego Oropesa.Pawang mga kabilang sa unang bugso ng mga Pransiskanong misyonero na dumating sa Pilipinas noong 1577.Sa isang nayon sa kabukiran ng silangang bahagi ng Meykawayan,sa isang na kung tawagin ay “Sitio Toril” (ngayo’y sakop ng Bahay-Pare) umusbong ang binhi ng kristiyanismo.Dito nagsimula ang matagumpay na paghahasik ng Mabuting Balita ng Kaligtasan. Ang unang simbahan sa ilalim ng pamimintuho kay San Francisco de Asis.Ito ay malawak na bakuran kung saan kumukuha ng ikinabubuhay ang mga prayle.Halos sampung taon din ang inilagi ng simbahan sa kanyang unang kinalalagyan,ngunit noong 1588,dinalaw ng malakas na bagyo ang pook na ito,na siyang sanhi ng pagkagiba ng simbahan at ng mga bahay na katabi nito.Sa utos ni San Pedro Bautista inilipat ang simbahan sa Lagolo,sa pamamahala ni P. Artemio de Nombela,ministro ng naturang bayan.

ANG MGA MAMAMAYAN NG BAHAY PARE 
Sa pagkatatag ng simbahan sa pook ng Bahay-Pare kasabay na natayo ang pamayanang Meykawayan.Ito’y sa gilid ng ilog na dinadaluyan ng mga Bangka at kasko na nagdadala ng mga kalakal at sari-saring paninda sa bayan-bayanan na ito ng Meykawayan. Ang taguring Bahay-Pare ay nananatiling taguri sa nayon ng Bahay-Pare ang unang pinagtayuan ng simbahan ng Meykawayan at unang pamayanan ng Meykawayan .Nagpatuloy ito sa masiglang pamumuhay mula noon hanggang sa kasalukuyan.Ang pagsasaka sa malawak na bukiran,pag-aalaga sa mga hayop sa bakuran ,pagtitibag ng bato sa pook tibagan (kung saaan naroroon ang malaking tipak ng bato).Ito ang ilan sa mga hanap buhay ng mga masisipag na mamamayan ng Bahay-Pare,gayundin ang pagluluto nla ng suman,halaya,leche plan,at kakaning dinadala pa nila sa iba’t ibang kabayanan ng Meykawayan.Patuloy ang mga mamamayan sa masiglang pamumuhay, pagtutulungan, pagdadamayan,mga palusog,at mga bayanihan at higit sa lahat ay masiglang pagdaraos ng iba’t ibang pagdiriwang. Mula noong taong 1920 ang fiesta ng Bahay-Pare ay idinaraos tuwing unang sabado,ngunit sa kasalukuyan ay ginaganap na ito tuwing unang linggo,pagkatapos ng linggo ng pagkabuhay.Hindi nila idinaraos ang fiesta sa simpleng araw,sapagkat abala ang mga tao sa “Pagdadalatan” o ang pagsasabog ng binhing palay o pagsasaka. Tuwing buwan ng Oktubre at hindi pa pumapatak ang ulan,ay nagdaraos sila ng “Lutrina”.Ito ay pagkakaroon ng prusisyon sa daan at isinasagawa ang pagsigaw ng pagdarasal.Ito’y paraan nila ng paghingi ng ulan sa Poong Maykapal.Sa ganitong buwan din idinaraos dito ang pagdarasal ng Santo Rosario sa loob ng Bisita. Kung buwan ng Mayo ay ginaganap ang “Flores De Mayo” may inanyayahang dalawampu’t apat na dalaga na may dalang bulaklak.Sinusundo ang mga dalaga ng mga batang nakadamit anghel at inihahatid nila ang mga bulaklak sa Mahal na Birhen habang inaawit ang “Flores De Mayo”. Sa katapusan ng buwan na Mayo ay binubuo naman ng komite ang “Pabasa” sa Kwaresma.Taon-taon ay nagpapalit-palit ang bumubuo ng komite,ang gawain ng naturang komite ay isaayos at idaos ang pagbasa ng pasyon,pinupuntahan ang bahay-bahay upang humingi ng abuloy na gagamitin sa “Pabasa”.Ito ay ginaganap tuwing ikatlong istasyon ng “Via Cruz” na noon,mula sa araw ng biyernes hanggang sabado. At sa ngayon ay ginaganap mula sabado hanggang linggo. · 

 ANG KRUS NG SITIO TORIL 

Isang krus ang itinayo ng mga prayle sa kanilang pinagmimisyonan kasabay nito ang pagtatayo ng isang kubo o “tuklong” na nagsisilbing tuluyan nila sa kanilang pamamalagi at pook nadasalan na rin.Ang kubong ito ang nagsisilbing unang simbahan para sa katutubo.Ang krus ay iniwan ng mga prayle sa kanilang unang simbahan ng lumipat sa Lagolo.Ang krus na ito ay kasalukuyang nasa pangangalaga ni G.Fidel Amparo.Sinasabing ang krus na ito ay nakuha pa sa kanilang mga ninuno sa guho ng unang simbahan (ngayo’y pag-aari ng kanilang pamilya) ayon sa huli ang pangangalaga sa krus ay nagmula kay G. Pedro Diaz. Noong taong 1940 binago ang krus sapagkat napakabigat dalhin ito sa prusisyon at kailangan mag-anyaya pa ng mga taong bubuhat nito.Sa ngayon ang Sitio Toril ay inilagak muli sa pangangalaga ng Bisita ng Bahay-Pare.Ang krus na ito ay paminsan-minsan ay hinihiram ng Dioses ng Malolos at Parokya ng St. Francis De Assisi bilang pagpaparangal sa pinakamatandang krus ng Meykawayan. 

ANG KULTURA NG BARANGAY BAHAY-PARE
 Ang Barangay Bahay-Pare ay mayroong iba’t ibang mga iniingatan at pinangangalagang mga kultura dahil ito ang isa sa mga yaman ng aming barangay na kung saan ay ito ang naging tulay sa pagkakaroon ng isang makabuluhang barangay sa Meykawayan,ito ang Barangay Bahay-Pare.Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga tanyag,natatangi at ipinagmamalaking mga kultura ng Barangay Bahay-Pare: · 

 3 KINGS O PASKONG BUKID 
 (Ginaganap ito tuwing buwan ng Enero bilang parangal at pagpupuri sa tatlong hari o pantas na dumalawat naghandog ng alay kay Hesus noong siya ay isilang.Tuwing ipagdiriwang ito mula ika-6 hanggang ika-8 ng Enero ay namamasko ang mga bata gayundin na rin ang mga matatanda). 

 MGA FIESTA
 (Ipinagdiriwang din sa aming barangay ang iba’t-ibang mga fiesta kada-taon upang hindi ito mapabayaan at maging parte pa rin ito ng tradisyon sa barangay). 

 FIESTA NG MGA PATRON 
 (Ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Mayo.Ang patron ng Bahay-Pare ay si San Jose na isang magsasaka.Ginaganap ang pistang ito dahil ang aming barangay ay bukid noon at pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay rito.Nagkakaroon din ng misa ng siyam na araw,mga palaro at iba pang mga aktibidad). 
 PISTA NG MGA PATAY
 (Ipinagluluksa ng mga tao ang kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay.Nag-aalay sila ng mga panalangin para sa mga yumao.Nagpapamisa rin upang maiparating ang ating pananampalataya.Nagiging tulay ang Fiesta ng mga Patay sa pagkakabuo muli ng mga pamilya at magkakamag-anak sa pamamagitan ng pagdalaw sa sementeryo. 

 · FLORES DE MAYO ·
 (Dinaraos tuwing buwan ng Mayo at matapos naman nito ay ang sagala). 

 · SIMBANG-GABI ·
 (Isinasagawa pa rin tuwing Disyembre bago sumapit ang Pasko sa kabayanan at kabukiran.Ginaganap ito sa Bahay-Pare Chapel. 

 BARANGAY FLAG CEREMONY ·
 (Ginaganap tuwing unang Lunes ng Buwan.Dito ay magsasama-sama ang mga nanunungkulan sa barangay upang umawit ng Lupang Hinirang.Matapos nito ay ilalahad nila ang nagawa nila sa loob ng isang buwan.Gayundin,pinairal din nila ang flag ceremony sa mga paaralan upang magbigay ng pagkilala sa ating watawat. 

 · MEDICAL MISSION KADA-TAON ·
 (Taon-taon ito isinasagawa upang magbigay nga libreng serbisyo sa pagpapagamot ng mga nangangailangan. Ilan lamang iyan sa kultura ng Barangay Bahay-Pare na talagang ipinagmamalaki.Napakahalaga nito dahil ito ay nakatatak na sa mga mamamayan rito at tanging panahon na lang ang makapagpapabago nito.Dapat itong pahalagahan ng mga nasa katungkulan at sila ay dapat na maging modelo upang mapaunlad pa ang ating kultura sa tulong na rin ng mga kabataang naninirahan dito.

 TUNAY BANG MAUNLAD ANG BARANGAY BAHAY-PARE? Sa ngayon ay hindi pa masasabing talagang maunlad na ang Barangay Bahay-Pare kung ihahalintulad sa ibang mga Barangay ngunit pinipilit at sinusubukan ng ating Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan na maisulat sa kasaysayan na ang Bahay-Pare ay isa ng maunlad at mayaman na barangay hindi lamang sa Meycauayan kundi pati na rin sa buong Pilipinas.Maisasakatuparan lamang ito kung mayroong disiplina ang mga mamamayan at kung magagampanan ng tama ng mga nakaluklok sa puwesto. 

SAGISAG NA PATULOY ANG PAUNLAD NG BAHAY PARE. Hindi man maunlad ang Barangay Bahay-Pare kung ikukumpara sa iba ngunit may mga palatandaan pa rin na maunlad ang aming Barangay. Isa sa mga halimbawa nito ay ang ipinagmamalaking produkto ng aming barangay,ang iba’t Ibang uri ng mga minatamis gaya ng leche flan,suman at halayang ube.Malaki ang naitulong nito upang maipakita na mayaman ang ating barangay dahil ito ay nagmula pa sa kanilang mga ninuno na patuloy na naiipamana hanggang sa ngayon at isa pa sa dahilan ng paglago ng mga produktong ito ay dahil sa mahal ng mga may-ari ang kanilang mga ginagawa.Bukod naman sa mga produktong minatamis ay nariyan din ang mga pabrika.Isa sa pinakakilalang pabrika ditto ay ang Steel Asia o pagawaan ng mga bakal at marami pang iba.Hindi lamang ang aming barangay ang nagpapakita ng kaunlaran kundi pati na rin ang mga masisipag at matitiyagang mga mamamayan. 
 ANG KABUHAYAN SA BARANGAY BAHAY-PARE. 
Sa Barangay Bahay-Pare ay mayroong iba’t ibang mga kabuhayan na talagang nakakatatak na sa buhay,dugo,tradisyon at kultura.Dahil sa mga ito ay makikilala at mahuhubog ang kagandahan at kahiwagaan na mayroon ang Barangay Bahay-Pare. Ang ilan sa mga kabuhayan sa barangay na ito ay ang mga sumusunod.
 · PAGSASAKA Mula pa man noong panahon pa ng mga Kastilang Pari na nanahan sa Barangay Bahay-Pare ay isang malawak na bukirin at kagubatan kaya naman pagsasaka na ang kabuhayan at pinagkakakitaan mula pa noon.Ang pagsasaka ay isang marangal at simpleng hanapbuhay noon ngunit isang hiwaga ang naganap dahil sa paglipas ng mahaba at masalimuot na panahon ay naipamana pa rin ang gawaing ito hanggang sa ngayon.Ipinagmamalaki ang pagsasaka sa barangay na ito dahil ito ay parte na ng kultura mula pa noon hanggang sa ngayon at ito pa rin ang pangunahing ikinabubuhay ng ilan sa mga mamamayan.Bukod pa sa mayroon na silang hanap-buhay ay nakakatulong rin ang mga bukuring ito dahil sa ito ay magandang tanawin ng aming barangay at ito ay nakakatulong din sa pagbawas ng polusyon. Dahil sa kahalagahan ng pagsasaka at ng mga bukirin,patuloy pa rin itong binibigayan ng importansiya at sapat na atensiyon upang mapangalagaan ang kabuhayan at kultura.Isang halimbawa nito ay ang pagkakaroon Komite sa Agrikultura na pinamumunuan ng ating lingkod na si Kagalang-galang Konsehal Leonardo Bernardino Jr. upang lalo pang paunlarin ang larangan ng pagsasaka at panatilihin ang hanap-buhay na ito hanggang sa susunod pang mga henerasyon. 
· MGA PABRIKA Pabrika pa ang isa sa mga hanap-buhay ng mga mamamayan dito sa pamamagitan ng pagiging isang empleyado.Nakakatulong din ang mga pabrika sa pag-unlad at pagyaman ng Barangay Bahay-Pare ngunit nagdudulot ito ng polusyon.Magandang balita naman na ang mga pagsusulit dahil sa maganda nitong kalidad. 
 · 
 Ang mga pagkaing minatamis ay ang mga pagkaing tanyag ng Barangay Bahay-Pare at kabuhayan ng mga mamamayan.Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 

· LECHE FLAN Ito ay isang uri ng minatamis.Noon pa lamang ay nasa Pilipinas na ang Leche Flan.Nagmula ito sa rehiyon na naghihiwalay sa Pransya at Espanya.Dinala naman ng mga Espanyol ang pagkaing ito ng mapasailalim ng Espanya ang kapangyarihan ng Pilipinas.Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito nawawala dahil pangunahin pa rin itong hanap-buhay sa barangay na ito na naipamana sa kanilang angkan. 
 · SUMAN Suman ang isa pa rin sa mga pagkaing ipinagmamalaki ng Barangay Bahay-Pare na siya rin namang hanap-buhay ng mga mamamayan dito.Mula pa noon ay suman na ang tinatangkilik na pagkain ng mga dumarayo dito. 
 · HALAYANG-UBE Halayang-ube pa ang isa sa mga masarap na minatamis na matatagpuan sa Barangay Bahay-Pare.Hanap-buhay rin ito ng mga mamamayan dito kaya naman malaki ang ginangampanan nito sa barangay. 

ANG SANGGUNIANG BARANGAY NG BAHAY-PARE


MARIO O. SEMINIANO
PUNONG BARANGAY

                  Si Kagalang-galang Mario O. Seminiano ang Punong Barangay at Ama ng Barangay Bahay-Pare.Siya ang namumuno sa lahat ng mga aktibidad at proyekto ng aming barangay.Siya ang responsable sa pamamahala sa aming Barangay sa abot ng kanyang makakaya upang maisulong ang kaunlaran,kapayapaan,kalinisan at iba pa.Ginagawa niya ang kanyang tungkulin bilang Kapitan katuwang ang mga konsehal ng barangay.




MARCELINO M. BERNARDO JR.
UNANG KAGAWAD


Si Kagalang-galang Marcelino M. Bernardo Jr. ang unang kagawad sa Barangay Bahay-Pare.Siya ang namumuno sa Komite ng Kalinisan kaya naman siya ang responsable sa mga basura,kalat at ibang aktibidad ukol sa kalinisan.






                                                           EUFRONIO R. AMPARO
IKALAWANG KAGAWAD

Si Kagalang-galang Eufronio R. Amparo ang ikalawang kagawad sa Barangay-Bahay Pare.Siya ang namumuno sa Komite ng Edukasayon kaya naman siya ang naatasan na mamahala sa mga paaralan at obserbahan ang mga paaralan upang makapaghandog ng mas mabuting edukasyon.





ROY ANGELO E. DEL ROSARIO
IKATLONG KAGAWAD

Si Kagalang-galang Roy Angelo E. Del Rosario ang ikatlong kagawad sa Barangay Bahay-Pare.Siya ang namumuno sa Komite ng mga Gawain sa Barangay kaya naman siya ang nag-aasikaso ng mga gagawing proyekto at aktibidad.



  
PERFECTO Y. DIAZ
IKA-APAT NA KAGAWAD

Si Kagalang-galang Perfecto Y. Diaz ang ika-apat na kagawad ng Barangay Bahay-Pare.Siya ang namumuno sa Peace and Order Committee kaya naman tungkulin niyang palawigin ang kapayapaan at katahimikan sa aming barangay.





LEONARDO E. BERNARDINO JR.
IKA-LIMANG KAGAWAD

Si Kagalang-galang Leonardo E. Bernardino Jr. ay ang ika-limang kagawad ng Barangay Bahay-Pare.Siya ang namumuno sa Komite ng Agrikultura kaya naman kailangan niyang paunlarin ang mga sakahan at mga pananim para na rin sa ika-uunlad ng mga magsasaka.





NICOMEDES E. FABRE
IKA-ANIM NA KAGAWAD

Si Kagalang-galang Nicomedes E. Fabre ang ika-anim na kagawad sa Barangay Bahay-Pare.Siya ang namumuno sa Komite ng Pananalapi





MERCEDITA R. RODRIGUEZ
IKA-PITONG KAGAWAD

Si Kagalang-galang Mercedita R. Rodriguez ang ika-pitong kagawad ng Barangay Bahay-Pare.Siya ang namumuno sa Services Affair  Committee.



KALIHIM:  JOSELITO O. RODRIGUEZ
INGAT-YAMAN: CRISANTA E. RODRIGUEZ
HEPE: BERNABE R. ALTOVEROS
DEPUTY: FRENDIUN A. DELOS SANTOS



ANG SANGGUNIANG KABATAAN NG BARANGAY BAHAY-PARE



SK CHAIRMAN AND SPORTS COMMITEE: CRISTINE ELIZA MAE S. CAMACHO
BRGY. ADMIN. ASST.: REMEGIO E. RODRIGUEZ
BARANGAY CLERK: ANALIZA E. ROBERTO

Miyerkules, Enero 25, 2012

Viva Sto.Nino !

Noong ikatlong linggo ng Enero (Enero 15,2012) ang kapistahan ng Sto.Nino sa Perez, Meycauayan Bulacan. Idinaos ang pista ng patron ng Sto.Nino bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap ng mga taong nakatira dito. Ilang araw bago ang pista ay inihanda ng ang mga banderitas at paanyaya para sa lahat. Iba't ibang paligsahan at aktibidad ang inihanda ng mga opisyales ng barangay at buong purok ng simbahan upang makapaghatid ng saya at aliw sa lahat.

Gabi ng Enero 13,2012 ay ginanap ang paligsahang "Perez Singing Idol" at "Dance Contest" sa Perez Sports Complex. Maraming magagaling na mang-aawit  na mula sa iba't ibang barangay at lugar ang dumalo. Ngunit isa lang ang nag-uwi ng premyong nagkakahalagang 4000 Php. Samantalang sa patimpalak naman ng pagsasayaw ay iba't ibang grupo ng mananayaw ang sumali. Di papatalo sa paghataw ang iba't ibang grupo na galing pa sa malayong lugar. Kahit maraming magagaling na grupo ay tatlo lamang ang napiling panalo. Ang nagkamit ng ikatlong pwesto ay ang grupong "FM" na nag-uwi ng 4000 Php, Sinundan ng grupong "Ayup" na nag-uwi ng 5000 Php at ang nagkamit ng unang pwest ay ang "XR1" na nag-uwi ng premyonh 6000 Php.

Martes, Enero 24, 2012

BARANGAY IBA




BARANGAY IBA

Iba is a barangay of the philippine component city City Of Meycauayan in the province Bulacan in Central Luzon which is part of the Luzon group of islands. The component city City Of Meycauayan with a population of about 196,569 and its 26 barangays belongs to the urban areas in the Philippines. Iba had 7,946 residents by the end of 2007.


ANG PINAGMULAN 
NG 
BARANGAY IBA



            Ayon sa mga mamamayan ng Barangay Iba, ang pinagmulan ng barangay na ito ay ang pagtubo o paglitaw ng isang punong kakaIBA, bagamat ang punong ito ay kakaiba ang tinawag sa barangay na ito ay iba.

Mapa ng Barangay Iba





BARANGAY POLICE HEADQUARTERS


BARANGAY HALL




BARANGAY CAPTAIN :

                                                                                MATEO S. ORBE

BARANGAY COUNCILORS:

                                              MARI – LEN SEMINIANO

                    AVELINO LAXAMANA

                    GERARDO  BERBOSO

                    RENATO  AFABLE

                    APOLINARIO  COTONER

                    VERGILIO  GUEVARRA

                    MARK JOSPEH DE CASTRO


SK CHAIRMAN :

                     DAN  VINCENT  SORIANO

BRGY. TREASURER

                     ANNA  MARIE  BERBOSO

BRGY. SECRETARY

                     NELSON DELA CRUZ   
                                                                                VERGILIO  GUEVARRA


 MARK  JOSEPH  DE  CASTRO

SK CHAIRMAN :

                     DAN  VINCENT  SORIANO

BRGY. TREASURER

                     ANNA  MARIE  BERBOSO

BRGY. SECRETARY

                     NELSON DELA CRUZ




MGA unang nAGING KAPITAN NG BARANGGAY IBA :
       
        EMILLIANO BERBOSO                  FELIX LAXAMANA
              DEOS GRACIAS                         ODOY SORIANO
              ANDOY BUELA                                  PEDRO AFABLE
           CANDIDO SANTOS






MGA KINAKAHARAP NA SULIRANIN :


-          Mga taong akya’t bahay upang makapagnakaw ng gamit ng iba at makaipon ng pera para sa kanilang mga sarili.
-          Mga taong agaw cellphone upang maibenta o magamit para  sa ikaaayos at ikagiginhawa ng kanilang sarili.
-          Mga teenager na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at naligaw ng landas.
-          Mga snatcher na nagnanakaw ng gamit na walang pakialam sa mga ninanakawan nila upang maging maginhawa ang kanilang buhay kahit na mali ang kanilang ginagawa.


MGA  IPINAGMAMALAKING  PAGKAIN:

MGA KATUTUBONG PAGKAIN
tulad ng:


puto

bibingka


suman


Iba pang pagkain:

nilaga
adobo


caldereta


paksiw
menudo
sinigang








Barangay Lawa


BARANGAY
LAWA



































Lunes, Enero 23, 2012

Barangay Pajo

Barangay Pajo History
  
          Ang Barangay Pajo ay Sitio lamang ng Barangay Camalig ang mga pangunahingikinabubuhay ng mga tao rito ay pagsasaka, paghahalaman at pangunguha ng bunga ng punong kahoy. May kabuuang populasyo nito noon na 100 tao humigat kumulang. Napagpasyan ng mga mamamayan dito na na magsasarili o bubukod ng Barangay at ito ay naisakatuparan noong 1970 buwan ng Enero petsa 28.

               Ang pangalang paho ay hango sa uri ng mangga kung tawagin ay pahutan o maliliit na bunga ng mangga. Nung mga panahong iyon ay maraming puno ng manggang pahutan dito. Kung kaya’t tinawag itong Barangay Paho. Sa ngayon ay Barangay Pajo.

               Naitalaga si G. Trinidad Pacionista Pila bilang kaunaunahang nanungkulan bilang Tenyente Del Bario sa Barangay ng Pajo.


Mga Naging Opisyal ng Barangay


Trinidad Pacionis ta Pila
(1870-1972)
(1982-1989)
Victor Basilio Pacionista
(1972-1982)
Leonardo Pacionista De Guzman
(1989-1997)
(2002-2004)
Policarpio De Vera Gatchalian
(1997-2002)
Rogelio Pila De Vera
(Appointed 2004-2007)
(Elected 2007-2010)
 (Elected 2010-2013)


Mga Kasalukuyang Opisyal ng Brangay Pajo


KGG. ROGELIO P. DE VERA
Barangay Captain

KGG.GLORIA M. DE GUZMAN
Barangay Kagawad

KGG. ANTONIO A. BARGOS JR.
Barangay Kagawad

KGG. ELADIO O. SEMINIANO
Barangay Kagawad

KGG. LUCITA Z. MARTIN
Barangay Kagawad

KGG. NESTOR S. AGONIA
Barangay Kagawad

KGG. POLICARPIO DV. GATOHALIAN
Barangay Kagawad

KGG. ANGELITO F. BERNARDINO
Barangay Kagawad

KGG. MARY JOY M. DE GUZMAN
Sangguniang Kabataan

ALLEN DV. SALVADOR
Barangay Secretary

TERESITA DS. NABAYRA
Barangay Treasurer



Ang Mga Pangunahing Pagkain ng Barangay Pajo



- Sapin-sapin




























- Biko






























- Puto






































- Suman






























- Bibingka


























- Kalamay






























- Puto bumbong













 Ang Mga Ipinagdiriwang ng Barangay Pajo


Paskong Bukid (3 kings)
       
          Ang Paskong Bukid ay ipinagdidiriwang ng mga taga Pajo sa tuwing ika-6 ng Enero. Hindi ipinagdidiriwang ng mga taga Barangay Pajo ang pasko tuwing Disyembre 25 dahil karamihan sa mga nakatira dito ay mga Iglesia.


Bagong Taon
         
          Ipinagdidiriwang ng mga taga Pajo ang Bagong Taon sa tuwng ika -31 ng Disyembre . Sama-sama na nagkakaisa at nagkakasiyahan ang tao sa Barangay Pajo upang salubungin ang Bagong Taon.



 Mga Parte ng Barangay Pajo


  •          Simbahan (Bisita)
               Dito nagsisismba ang mga tao sa Barangay Pajo.
  •          Paaralan (Pajo Elementary School)
               Nag-aaral dito ang mga batang taga Barangay Pajo na nasa Elementarya.
  •          MRF (White House)
              Maraming nagsasabi na dito ay marami ng nangyari na katatakutan.
  • ·        Quake
               Dito itinatapon ang lahat ng basura ng mga taga Barangay Pajo.
  • ·        Manarang Road (Rough Road)  
               Isa ito sa mga pinakasikat na daanan sa Barangay Pajo.



Kabuuang Populasyon ng Barangay Pajo


          Humigit kumulang 5,000 katao ang nakatira sa Barangay Pajo. Karamihan sa mga bumubuo ng populasyong ito ay mga Iglesia ni Cristo.